click here if you want to see your banner on this site

Author Topic: Canadian stablecoin on the Algorand Blockchain  (Read 1816 times)

silent_reader

  • Novice
  • *
  • Posts: 25
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Canadian stablecoin on the Algorand Blockchain
« on: December 30, 2020, 11:04:22 AM »
Ang taong ito ay halos matatapos na at napatunayan na nito sa atin ang patuloy na paglaki ng pag-adopt sa digital currency. Nakita namin ang mahusay na pagtanggap ng mga advanced na pamamaraan ng pagbabayad at transaksyon. Ang isang bagay na maaari nating sabihin na nag-aambag dito ay ang kasalukuyang pandemya na kinakaharap natin dahil ang pag-adopt na ito ay makakatulong upang mabawasan ang direktang mga transaksyon. Ipinakita rin sa atin kung gaano kahusay ang digital na transaksyon sa isang mas mabilis at mas ligtas na paraan habang binabawasan ang oras at gastos ng transaksyon. Sa mga darating na buwan o taon, makikita natin ang mas malawak na pag-adopt sa digital innovation at stablecoin hindi lamang mula sa mga negosyo kundi pati na rin mula sa mga taong gagamit at makikinabang dito.

Ngayong naghahanda na kami sa pagbabagong ito, lumalawak din ang digital stablecoin. Malaking papel ang gagampanan ng Blockchain technology upang maisagawa ito at lumaki. Ngayon, ang unang digital Canadian dollar stablecoin ay nakatakda ring magpatibay at magpatupad ng imprastraktura ng Algorand sa ecosystem nito.

Tungkol sa QCAD

Kilalanin muna natin ang mass-market Canadian dollar stablecoin, QCAD. Ang QCAD ay inisyu at pinamahalaan ng Stablecorp, isang korporasyon sa pagitan ng 3iQ at Mavennet na naglalayong bumuo ng mga nangungunang stablecoin na maaasahan sa pagbibigay kapangyarihan sa digital world.

Ang QCAD ay orihinal na inilunsad sa Ethereum at siya ang unang fully- compliant, mass-market na CAD stablecoin na sinusuportahan ng higit sa 22 mga kasosyo sa ecosystem kabilang ang exchanges, custodians, payment providers, DEX, atbp. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Algorand, magbibigay ito ng mas maraming mga oportunidad upang makamit ang mga pangunahing use case na may mataas at mabilis na transakyon.

Ang QCAD ay may mga sumusunod na pangunahing katangian:

Stable and Flexible - Ang QCAD ay isang stablecoin na may halagang 1 Canadian dollar sa bawat 1 QCAD.
Trusted Transparency - Tinitiyak ng firm na panatilihin ang balanse ng halaga nito sa sirkulasyon na buwanang ipina-publish at pinatunayan ng isang third party.
Comprehensive Compliance - Nagpapatupad ito ng mahigpit na mga patakaran sa pagsunod, at nangangailangan ng isang masusing onboarding measure ng mga awtorisadong dealer.
Full Crypto Compatibility - Ito ay katugma sa karamihan ng mga cryptocurrency wallet at imprastraktura sa buong mundo.

"As we begin to expand the use cases that will begin to bring wider adoption of QCAD, it is critical for us to have a robust and secure high throughput infrastructure, we believe leveraging Algorand's blockchain and its growing ecosystem will help us explore and scale new enterprise and consumer implementations." Sinabi ng CEO ng Stablecorp, si Jean Deagagne.


Tungkol sa Algorand

Ang Algorand ay ang open-source, permissionless, pure proof-of-stake blockchain protocol na nag-aalis ng mga hadlang na pumipigil sa pangunahing pag-adopt ng blockchain. Nagbibigay kapangyarihan ito sa ebolusyon ng Defi sa pamamagitan ng pagbubukas ng iba't ibang mga pagkakataon sa mga proyekto na naglalayon na lumikha at magpalitan ng halaga, bumuo ng mga tool at serbisyo sa pananalapi, magdala ng mga assets on-chain, at magbigay ng mga responsableng privacy model na makakatulong sa paglago ng ecosystem ng Algorand.

Hindi ito ang unang stablecoin na na-isyu sa network dahil mayroon na silang USDC ng Circle at USDT ng Tether. Gayunpaman, ito ang magiging unang non-USD na may sumusuporta na stablecoin sa Algorand. Sa kamakailang pakikipagsosyo ng Stablecorp kasama ang Algorand, ilulunsad nila ang kanilang digital asset sa Algorand blockchain. Ang Stablecorp ay bahagi at recipient ng Algorand Foundation Grants Program na nagpapalakas at nagpapalawak ng misyon para sa borderless economy. Ang papel na ginagampanan ng Algorand ay magbibigay ng agarang kumpirmasyon, micropayment, at awtomatikong suporta sa wallet para sa bagong suportang QCAD token. Pagaganahin din nito ang unang synthetic-FX trading pair sa pagitan ng US dollar stablecoin at Canadian dollar stablecoin sa Algorand.

Kung interesado kang magsumite ng isang aplikasyon o malaman ang tungkol sa Algorand Foundation Grant Program maaari mong suriin ito: Grant Program

"The global scale and speed of the Algorand protocol will enable the high transaction volumes that will facilitate new and innovative consumer innovation using QCAD." Ayon sa CEO ng Algorand Foundation, Sean Lee.

Ang Algorand, kasama ang kanilang masisipag na team ay magbibigay ng teknolohiya na magpapabuti sa ekonomiya sa hinaharap upang alisin ang alitan mula sa anumang mga palitan ng halaga. Tinitiyak ng Algorand blockchain ang scalability, seguridad, at desentralisasyon na ginagawang itong isang perpektong platform para sa mataas na bilang ng stablecoin. Ang mekanismo ng Algorand blockchain ay maaaring i-garantiya ang isang panghuling transaksyon na nag-iiwan ng malaking kumpiyansa sa lahat na nakapaloob sa transaksyon.


Orihinal na akda: https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=185617.0
Para sa karagdagang impormasyon, maaari mong suriin ang link na ito sa ibaba:
Reference 1


 

Bitcoin Garden 2013-2024, All rights reserved | Privacy Policy | DMCA | About Bitcoin Garden | Support & Services