click here if you want to see your banner on this site

Author Topic: Ang bountyblok ay ang pinakabagong tatanggap ng Algorand Foundation Grant  (Read 296 times)

Polar91

  • Novice
  • *
  • Posts: 35
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Tandaan: Ito ay pagsasalin lamang

Narito ang orihinal na artikulo: bountyblok are the latest recipient of an Algorand Foundation Grant na akda ng Algorand Foundation


Ika-25 ng Agosto, 2020 - Mula nang ilunsad ng Algorand Foundation ang Grant Program ngayong taon, maraming mga developer at innovator sa buong mundo ang nasasabik na makilahok. Matapos ang masusing pagsusuri at pagpili, nasisiyahan kaming ipahayag na ang bountyblok ay nakatanggap ng Algorand Foundation Grant, upang gawing mas madali para sa mga aplikasyon na makakuha ng mga bagong kostumer at hikayatin ang mga ito sa pamamagitan ng incentivization at sistema ng gantimpala ng bountyblok.

Ang bountyblok ay isang gamification na plataporma na ginamit ng mga third-party na mga aplikasyon upang lumikha ng mga hamon at gawain na madaling maisama sa kanilang umiiral na produkto. Ang pagpapatupad ng mga mekanika sa gaming sa mga aplikasyon ay lubos na nag-uudyok at nagtataguyod ng pakikipag-ugnayan ng gumagamit at sa gayon ay susi para sa mga aplikasyon na hindi lamang mapanatili ngunit mapalago rin ang kanilang user base at mga kita.

“Achievements and rewards should belong to the user who has earned it, and blockchain technology can enable this by storing the information on a safe and secure decentralized database such as Algorand” [Ang mga nakamit at gantimpala ay dapat na mapunta sa mga gumagamit na nagkamit nito, at maaaring itong paganahin ng teknolohiya ng blockchain sa pamamagitan ng pag-iimbak ng impormasyon sa isang ligtas at secured na desentralisadong database tulad ng Algorand], sinabi ni Dimitri Nikolaros, Tagapagtatag ng bountyblok.

“We are delighted to support bountyblok’s grant application,” [Kami ay nalulugod na suportahan ang grant application ng bountyblok,] sabi ni Sean Lee, CEO ng Algorand Foundation. “Their innovative gamification approach enables their partners to easily deliver all the benefits of user rewards and, by choosing Algorand as their blockchain platform, they have ensured their ability to grow to many millions of users.” [Ang kanilang makabagong gamification na diskarte ay nagbibigay-daan sa kanilang mga kasosyo na madaling maihatid ang lahat ng mga benepisyo ng mga gantimpala ng gumagamit at, sa pamamagitan ng pagpili ng Algorand bilang kanilang blockchain na plataporma, tiniyak nila ang kanilang kakayahang lumago sa milyun-milyong mga gumagamit.]

Ipinagmamalaki ng Algorand Foundation na suportahan ang proyektong ito sa pagpopondo sa pamamagitan ng Algorand Foundation Grant program. Para sa karagdagang impormasyon partikular sa bountyblok, mangyaring basahin ang kanilang blog o bisitahin ang https://www.bountyblok.io. Kung interesado kang magsumite ng isang proyekto para sa suporta mula sa Algorand Foundation Grant program, mangyaring mag-aplay dito.

 

Bitcoin Garden 2013-2022, All rights reserved | Privacy Policy | DMCA | About Bitcoin Garden | Support & Services