click here if you want to see your banner on this site

Author Topic: Ang tatanggap ng Foundation Grant na AIKON ay naglulunsad ng integrasyon  (Read 1641 times)

Polar91

  • Novice
  • *
  • Posts: 35
  • Karma: +0/-0
    • View Profile
Ang tatanggap ng Foundation Grant na AIKON ay naglulunsad ng integrasyon sa Algorand

Tandaan: Ito ay pagsasalin lamang

Narito ang orihinal na artikulo: Foundation Grant recipient AIKON launches Algorand integration for ORE ID and ChainJS na akda ng Algorand Foundation


Singapore, ika-11 ng Agosto, 2020 - Noong Mayo 2020, inihayag ng Algorand Foundation ang AIKON bilang isa sa mga unang tatanggap ng Algorand Foundation Grants Program. Ang grant na ito ay tutulong sa AIKON na dalhin ang naaangkop na mga blockchain developer tool and serbisyo sa Algorand blockchain. Ngayon, ang AIKON at ang Algorand Foundation ay nalulugod na inihiayag ang opisyal na paglulunsad ng integrasyon ng blockchain ng Algorand para sa pangunahing serbisyo ng AIKON, ORE ID, at open-source developer library ng AIKON, ChainJS.

Ang AIKON ay nilikha noong 2017 at mula noon ay nagtatrabaho sa mahatid ng mainstream na adapsyon sa teknolohiya ng blockchain. Ang kanilang flagship product, ORE ID, ay isang simpleng user onboarding at serbisyo sa pamamahala ng pagkakakilanlan sa blockchain. Sa ORE ID, ang mga gumagamit ay nakakakuha ng isang ganap na seamless na blockchain na karanasan na katulad sa modernong mga web 2.0 na aplikasyon. Hinahawakan ng ORE ID ang paggawa ng account, mga multisig account, pag-reset ng password, mga pag-sign ng transaksyon, at pamamahala ng mapagkukunan - at inaalok ito sa pamamagitan ng isang REST API at mga Javascript library na ginagawang madali para sa anumang developer na gagamitin. Ang ORE ID ay lalong malakas para sa mga negosyo na nais ilipat ang kanilang umiiral na user base sa Algorand. Ang ORE ID API ay maaaring mag-batch process ng umiiral na mga email address o iba pang natatanging mga ID upang lumikha ng mga Algorand wallet para sa mga gumagamit na iyon.

“Algorand’s native support for multisig wallets is a game-changer for us,” [Ang natibong suporta ng Algorand para sa mga multisig wallet ay isang game-changer para sa amin,] sabi ni Marc Blinder, CEO ng AIKON. “It allows a business to create wallets on their user’s behalf, deliver digital assets to those wallets, and later give ownership of those wallets to the user without ever touching their private keys.” [Pinapayagan nito ang isang negosyo na lumikha ng mga wallet sa ngalan ng kanilang gumagamit, maghatid ng mga digital asset sa mga wallet na iyon, at sa paglaon ay ibigay ang pagmamay-ari ng mga wallet na iyon sa gumagamit nang hindi kailanman hinahawakan ang kanilang mga private key.]

Ang ORE ID ay binuo gamit ang ChainJS ng AIKON, isang solong javascript helper library na hinuhugot ang mga interface ng blockchain at hinahayaan ang mga developer na bumuo ng kanilang aplikasyon sa halos blockchain-agnostic na paraan. Ang ORE ID ay nagbubukas ng mga pintuan sa pagpapa-unlad ng blockchain sa pamamagitan ng pagbawas ng alalahanin para sa mga kumpanya at developer na malaman ang mga bagong teknolohiya ng blockchain. Sa intergrasyon ng ORE ID, ang mga umiiral na Dapps ay madaling mai-uupgrade sa pamamagitan ng paglipat ng mga ito mula sa iba pang mga blockchain patungong Algorand, kung saan masisiyahan sila sa scalability, mabilis na finality, at seguridad na inaalok ng Algorand.

“Providing the seamless blockchain experience facilitated by ORE ID is a significant step in enabling companies to build on Algorand,” [Ang pagbibigay ng seamless blockchain na karanasan na pinadali ng ORE ID ay isang makabuluhang hakbang sa pagpapagana ng mga kumpanya na bumuo sa Algorand,] sabi ni Sean Lee, CEO ng Algorand Foundation. “The Foundation is delighted that AIKON, as one of our first Algo Grant recipients, has been able to deliver this functionality so quickly to the Algorand Ecosystem”. [Ang Foundation ay natutuwa na ang AIKON, bilang isa sa unang mga tatanggap ng Algo Grant namin, ay nagawang maihatid ang functionality na ito nang napakabilis sa Ekosistema ng Algorand.]

Ipinagmamalaki ng Algorand Foundation na suportahan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pagpopondo sa pamamagitan ng Algorand Foundation Grants Program. Para sa karagdagang impormasyon sa AIKON, mangyaring bisitahin ang https://aikon.com/. Kung interesado kang magsumite ng isang proyekto para sa suporta mula sa Algorand Foundation Grants Program, mangyaring mag-aplay dito.

 

Bitcoin Garden 2013-2024, All rights reserved | Privacy Policy | DMCA | About Bitcoin Garden | Support & Services