Kami ay nasasabik na ilabas ang
Algorand Wallet v4.0.0!
Bagong katangian, mas magandang karanasanAng pangunahing pagbabago sa paglabas nito ay ang komprehensibong bagong disenyo. Sa nakalipas na buwan, masidhi naming tinignan ang kakayahang magamit ng aming screens at workflows. Matapos ang maraming pagbabago at puna mula sa mga users, nakarating kami sa Algorand Wallet v4.0.0 na naglalayong higit na mapalawak at gawing simple ang karanasan ng pakikipag transaksyon sa Algorand.
Habang ang pinakamalaking (at pinaka-halatang) pagbabago ay ang pangkalahatang hitsura at pakiramdam, isinama namin ang ilan sa mga bagong feature:
Transaction notes: Maaari mo na ngayong magamit ang transaction note fields mula sa loob ng Algorand Wallet. Magagawa mong magpasok ng mga tala sa pag gawa ng isang transaksyon pati na rin ang pagtingin ng mga tala na nakadikit (nakakabit) sa ipinadala o natanggap na mga transaksyon mula sa transaction detail view
TestNet Compatibility: Mga developers, ito ay para sa inyo - pagsusuri ng pagpapadala ng mga asset o ilang mga transaksyon bago pumunta sa MainNet sa pamamagitan ng pagpindot sa pagitan ng MainNet at TestNet.
Improved UX: Na-update (In-update) namin ang mga icon para sa address ng iyong account (at QR), kasama ang isang in-app na tutorial upang ipakita kung saan ito hahanapin (mahahanap). Alam namin na mahirap itong mahanap noon, at ang aming nais ay mas madali itong mahanap. Nagpatupad kami ng isang color blind friendly palette para sa higit na karanasan.
Sa huli, ang paglabas nito ay makakatulong na ayusin ang pundasyon para sa maraming mga features na darating. Manatiling nakatutok para sa mga bagong features tulad ng isang notification center, export transaction history to CSV, new transaction types, at dark mode (upang pangalanan lamang ang ilan sa mga ito).
I-download ang Algorand WalletAlamin pa ang tungkol sa Algorand Wallet at mga tampok dito, o i-download ito nang direkta:
Nakatanggap kami ng maraming mga feature ideas mula sa mga user’s kaya mangyaring magpatuloy na ipadala sa amin ang iyong puna alinman sa loob ng app o sa pamamagitan ng
[email protected]. Inaasahan naming nasiyahan ka!
Narito ang orihinal na artikulo:
https://www.algorand.com/resources/blog/introducing-the-newly-designed-algorand-wallet na akda ni Ian Cross.